April 1 ;) 1am..
recognition ni alliyah my pamangkin.. party party pa din kasma ang mga pinsan.. videoke at shot shot ;))
Hindi Kumpleto Buhay Estudyante mo kung _____.
“Munting alaala ng pagiging estupidyante, este estudyante.”
Balikan natin ang ilang senaryo sa buhay ng isang estudyante. 1.Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; Walang kupit kay mother. “Ma, ay bibilhinn kaming libro, 1k.” (Pero ang totoo 450 lang.) Oh, edi anlaki ng tubo mo! May pang gimik na. 2. Hindi kumpleto ang buhay estudyante kung; Hindi mo ginamit na excuse ang “research” or “group practice” para maglakwatsa. “Dad, May praktis po kami ng sayaw sa P.E. sa Linggo.” (yun pala pupunta lang ng SM kasama ang jowa at magdedate). Pag uwi sasabihin pa, “Hay, nakakapagod ang praktis.” pero iba naman pala ang pinraktis. 3. Hindi kumpleto ang buhay estudyante pag hindi mo ginawang ruler ang ID mo. Minsan ginagawa pang pangkaskas sa madiing pagkukulay ng krayola. 4. Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo; Kung di ka naasar dahil puro pasang-awa ang karamihan sa test mo, tapos marinig mo yung kaklase mo “Omg ang baba ng grade ko, 98 lang?! naman!!” talaga nga namang pang asar! Ang maiisip mo na lang“E anu pa yung akin!? Nang iinsulto ba to??” 5.Pag hindi ka napilit ng titser mo na kumanta sa harap ng klase. 6. Kung hindi ka pa nakaranas ng teamwork tuwing exams. 7.Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; Wala kang isinumpang mga prof. Pag naiinis sa Prof, kung hindi pinagtitripan, ginagawan na lang ng alyas pati na rin sa masusungit na guard. 8.Kung hindi ka napaupo agad ni teacher kasi di ka nakasagot madaldal ka kasi at hindi ka nakikinig. 9.Kung hindi mo naranasan magpakanerd at magpetiks din. Sa prelims, papetiks petiks lang, pag nakita ang midterm grade, magpapakanerd sa semis para makabawi at hindi makakuha ng tres sa final grade. 10. Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; hindi mo kabisado ang student number mo. 11.Kung wala kang nakita/ nabasa o naisulat na graffiti sa school CRs. Sari sari na ang mga makasulat, merong sweet, merong bastos, meron din namang galit. 12.Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; hindi mo naranasang humingi ng ¼ na papel, isama na din ang 1whole pti ½ crosswise at lengthwise. “Nagsstart na quiz wala pa ko 1/4 dahil nagkaubusan kaya gumawa na lang ako 1/4 sa notebook ko.” 13.Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; Hindi ka nagkaroon ng CRUSH! Lahat ay ngkakaroon ng crush sa school. Pag sinuwerte ka pa, Nagiging jowa mo yung crush mo. Sarap isipin.. Jackpot! 14. Kung hindi mo naranasang mag early dismissal at makipaginuman sa mga kabarkada. Minsan pa ay may magsusuka sa sobrang dami ng nainum at lasing na lasing. Kinabukasan, hindi na tanda ang mga pinag gagagawa kahapon. At ang pinakahuli, at base sa aking kasranasan: 15.Hindi kumpleto ang buhay estudyante mo kung; hindi ka nakaattend ng Grad. ball, JS Prom, at Debut ng kaklase. Minsan ginagawa pang rason ang pagpunta sa debut para mgouting ng overnight. Pupunta sa Puerto Galera. Akala ay nasa debut, yun pala ay nakatawid na ng dagat. J
Kasiyahan, sari-saring kalokohan, katuwaan, asaran, kanya- kanyang estratehiya, pag-ibig, at kapasawayan. Yan ang ilan sa masasayang kaganapan sa buhay ng isang estudyante.
If it wasn’t for you i would never be who I am.. :)
TERRIFIED ♥

